BACOLOD 2020 Mission Report

GREETINGS IN CHRIST!

First of all, I and my whole family thank the Lord for the Partnership and untiring support of Moonwalk Community Bible Church. And also, we thank the Lord for the past years and months we been through indeed God is our help and refuge specially during the crisis and in everyday challenges. All in all, God is worthy of all praises and honor.

Anyway, regarding the ministry na ating pinangunahan kaka-celebrate lang natin noong first Sunday of January ng dalawang taon na katapatan at biyaya ng Dios. kaya laking pasalamat ko sa Dios at ang aking buong pamily na siya nag-iingat at nag-gabay sa amin dito na kung saan ay nagpapatuloy kami at nagpupursege sa paglilingkod sa ating dakilang Panginoon Hesus Kristo. Ang bilis talaga ng panahon! At sa paglipas ng dalawang taon ang dami’ng mga aral, tao, pangyayare at maging mga hamon sa gawain ng Panginoon na aming nakasalamuha lalo na’t alam naman nating lahat na nagkaroon nga nang pandemya sa buong bansa at sa buong mundo yet not of these things ang kayang pumigil sa gawain ng Panginoon na ating pinangunahan dito. Sa katunayan nga at dahil narin sa tulong ng Dios, ang gawain dito specially noong may lockdown pa ay siyang nagging daan para abotin, bukod po doon sa mga regular attenders natin, nag-abot ng kakaunting tulong or benevolence ang fellowship sa mga hindi dati natin attenders. kaya noong nanumbalik na ang mga pagsamba bagamat may limitations pa sa numbers of attendance yet nagpapasalamat ako sa Dios dahil doon ito ay nagging paraan na ginamit ng Dios para hikayatin sila na sumali sa mga panambahan sa fellowship na nagaganap bawat linggo. Ganun paman sa ngayon ay may iilan na mga sumasali sa aming pagtitipon dahil doon sa benevolence ministry ng fellowship noong kasagsagan ng pandemya at maging sa kagandahang loob narin na ipinakita sa kanila; hindi lang mula sa amin at maging mismong pamilya ng ating mamahaling deacon Jery. Kaya bilang bungga nito, sa kasalukuyan ay may halos lima hanggang sampo’ng individuals na ang naidagdag sa aming panambahan bawat linggo.

PRAYER CONCERN

  1. Please include us in your prayers na sana sa aking pangunguna sa gawain at sa aking pamilya ay nawa ipagkaloob ng Dios ang kanyang biyaya ng karunongan, kalakasan at kababaang diwa sa paglingkod sa ating panginoon.
  2. Please consider us in prayers na sana sa loob ng dalawang taon na naihayag ang mensahe ng kaligtasan sa mga tao nawa ay may tumugon na at makitaan ng mga tanda na sila ay tunay na nasumpungan nga nila ang biyaya ng Dios sa kaligtasan.
  3. Please consider us in your prayers na sana ang mga tao ay magpursegi sa kanilang pakikinig ng mensahe ng Dios sa bawat araw, oras na ito ay tinuturo.
  4. Sana loobin din ng Dios ang aming plano na magkaroon kami ng Sunday school every Sunday at prayer meeting every last Sunday of the month. Balak naming umpisahan ito sa first Sunday of February 2021.
  5. Lastly, please consider also in your prayers, na sana ako at si Merry ay mas lalong lumago sa aming pagmamahal sa Dios at sa bawat isa.  Ganun din ang dalangin ko na sana maligtas din ang aking dalawang anak na si Alana Brielle, Alliah Blest at ang dalawa ko pang pamangkin na si Calvin Kent, Twilight Kesia Rutor na sa kasalokuyan ay kami po ang kanilang tumatayong magulang.
Facebook Comments
Share this on your wall: