Isang mainit na pasasalamat at pagbati ang aming pinaabot sa inyong lahat dyan sa MCBC naway nasa mabuti lagi kayong kalagayan, ang biyaya at kapayapaan ng Diyos at ng ating Panginoong Jesus ay sumainyo lagi.
Bagamat may isang pamilya ang nakadanas ng kalungkutan nitong nakaraang mga lingo dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay,ang tinutukoy ko po ay ang Umali family.Naway aliwin sila at patatagin ng Panginoon ang naiwan pamilya ni brother Renie. Nagpapasalamat po kami sa panginoon sa buong Iglesya ng MCBC na patuloy sumusuporta sa panalangin, pagpadala ng ministers/preachers dito sa Bagumbong at ganon dito sa Financial na tulong.Lalo pa po sanang pag-palain ng panginoon ang ministries at ministers ng MCBC.
Para po sa pagpapaabot sainyo sa nangyayari sa ministry dito sa Bagumbong,nagpapasalamat kami sa panginoong sa limang pamilya regular na dumadalo sa worship ay talagang nag papatuloy po sila sa paglilingkod sa panginoon. At sa ngayon po ay may dalawang mother kasama ang mga anak na bagong dumadalo.
At may B.S din po ako sa mga bata every saturday 9 am mga 4 months na po itong kids BIBLE STUDY nagsimula po sila sa mga 10 bata lang, sa ngayon mahigit 20 na po sila. Last saturday 21sth of Dec,10 AM nagkaroon kami ng thanksgiving party para sa kanila almost 30 kids ang dumalo at may ilang parents pinakain at binigyan namin sila ng mga regalo sa tulong or spomsors ng mga kapatiran dito,Salamat sa Panginoon at naging masaya ang pagdiriwang, Salamat po sa inyong prayers.
Salamat din sa pamilya ni Jonathan at Elvie Centino na laging tumutulong kasama si Lucy sa pagprovide at pagluluto ng pagkain ng mga bata every saturday ganon din kina Mean at Arman na sumusuporta sa childrens ministry.
TO GOD BE THE GLORY!
PRAYER REQUEST:
1. Ipinalangin po natin ang childrens ministry,edad nila from 5 to 11 years old.Sana po magpatulong anf mga bata sa pagdalo at maligtas sila .Sana po maakay din nila ang mga magulang sa pagdalo sa Fellowship or sa sa worship every Sunday.
2. Pag pray din po natin na makapag B.S. tayo sa pamilya ng 2 mother na dumadalo god willing by JANUARY 2020 masimulan ang B.S.
3. Maging malinaw din po sana ang kaligtasan sa lahat ng dumadalo sa worship every Sunday.
4. Lumago po sana sa spiritual ang mga kapatiran at ang commitment tumibay din.
5. Patuloy na wisdom & guidance ng panginoon sa akin sa pagpanguna sa ministry dito tulong din ng Panginoon sa akin pangangaral ng salita ng Diyos.
6. Nawa lalong sumagana sa spiritual ang bawat mananampalataya sa darating na taon.