Gensan Outreach – December Ministry Update

Greetings in the name of our Lord Jesus Christ.

Merry Christmas po masaganang bagong taon na darating sa inyong lahat jan mga kapatid sa MCBC.

Thanksgiving Ako at ang aking pamilya at ang mga kasamahan sa mga pagtitipon dito sa General Santos City ay nagpapasalamat sa ating Panginoong Dios sa patuloy na pag sustain sa aming pagtitipon at hangang ngayong taon ay iniingatan niya kami at ang kanyang presinsya ay nararamdaman namin sa aming mga pagtitipon sa kabila ng mga pagsubok sa buhay at sa mga lindol na nararanasan namin dito po sa Mindanao, maging sa pagbibigay niya sa amin ng mga Oportunidad na maibahagi ang kanyang ebanghilyo…at maraming salamat din Sa inyo mga kapatid (MCBC) na patuloy na sumusuporta sa mga dasal at maging sa financial na pangangailangan upang kami ay mas lalong lumakas sa paglilingkod… S

ALAMAT PO SA LAHAT NG INYONG KABUTIHAN SA AMIN, SA LAHAT NG MGA ELDERS, DEACONS AT MGA MEYEMBRO NG MCBC, sana po patuloy kayong pagpalain ng ating buhay at dakilang Dios.

Prayer Request

1. Dagdag pagmamahal sa Panginoong Dios at sa kanyang mga salita sa taong darating.

2. Dagdag Bukas na mga pinto para sa ebanghilyo sa taong darating.

3. Kaligtasang mula sa kasalanan sa taong darating, sana marami papo sanang maligtas.

4. Kaligtasan nating lahat mula sa mga klasi-klasing sakuna katulad ng Lindol, Bagyo at iba pa… sana patuloy ang awa ng Dios ay matatamo nating lahat hinde lamang dito sa Mindanao pati narin sa boong Pinas.

TO GOD BE THE GLORY!

Facebook Comments
Share this on your wall: