Mula sa BCCF binabati namin kayo sa pangalan ng ating Panginoong Jesus naway lagi kayong sagana sa biyaya ng ating Diyos sa mabubuting bagay, material, physical, financial at lalo na sa spiritiual laging sumaatin nawa ang kapayapaan ng Panginoon.
Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa biyayang aming nararanasan sa nakaraang taon 2020, Salamat sa preservation ng panginoon para sa lahat ng attenders dito bagamat nagkaroon ng pandemya wala naman na infect sa mga attenders dito.
Salamat din sa Panginoon sa pag- lago ng attendance sa worship during LORD’s day at ganon din sa youth at kids Bible study kaya po sa ngayon ay inoccupy na namin ang buong ground floor ng building dahil masikip napo kami . Kasama tirahan namin bali 11k ang rental every month.
Salamat sa provision ng Panginoon at sa prayers nyo, tunay na sumasagot ang Panginoon sa ating mga panalangin, last year nag-request ako ng attendance growth at sinagot po ng Panginoon may mga nadagdag na attenders at nangyari sa kabila ng krisis, sa ngayon ay may mahigit 20 na kabataan (youth) ang dumadalo sa BS nila every Sunday @ 2:30 pm at sa children’s ministry every Saturday @ 9:00 am.
Salamat sa Panginoon mga adults na idinagdag ng niya sa fellowship at sa dalawang brethren na young professional na sina TJ at Rosielyn. May mga background na rin sa reformed teachings sa ngayon si TJ ang humahawak sa youth BS at si Rosielyn ang sa children’s ministry.
Salamat po sa inyong palangin at financial support sa ministry dito, patuloy din po namin kayong pinapanalangin sana patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon, lahat ng Elders at Deacons at ang buong Iglesia ng MCBC.
Prayer Requests
- Spiritual Growth sa mga brethren
- Salvation sa mga unsaved attenders lalo na sa mga bagong dumadalo-Adults, youth, at kids.
- Open-doors para sa BS
- Patuloy na paglago ng attendance sa worship at mga BS – youth and kids.
- Financial provision para sa ministry at sa family ko. Pagpalain sana ng Panginoon mga hanap-buhay ng mga brethren at magkaroon ng trabaho ang mga unemployed.
- Patuloy na karunungan sa pangunguna sa ministry at pag unawa sa kanyang salita.
Maraming Salamat po!!
Pagpalain kayo ng Panginoon.
George Santonia